^

Bansa

4 car dealer sinalvage

Raymond Catindig, Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines  — Apat na pinaniniwalaang car dealer ang itinumba bago isinilid ang mga bangkay sa isang kotse at iniwan sa sementeryo ng Barangay Villarey, Piat, Cagayan kahapon.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Christian Kaibigan, residente ng Balintawak at Joel Bolado ng Tanguay Loob, kapwa mula Lipa City, Batangas; Michael Eugine Romero, residente ng Masbate St. Bago Bantay, Quezon City at Rommuel Quinan na residente naman ng Avenue East Rembo, Makati City at Fairview, QC.

Kinilala naman ni P/Col. Ariel Quilang, provincial police director ng Cagayan ang dalawa sa apat na mga suspek na dinakip na sina Joey Bargado, konsehal ng Amulung, Cagayan, Jojo Vergara ng Tuguegarao City sa nabanggit na lalawigan habang pinaghahanap pang dalawang John Does na kasabwat sa pagpatay.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, Mayo 18, 2020 ng umaga nang umalis sa Lipa City sina Joel at Christian kung saan dinaanan  sina Michael at Rommel sa Manila para i-deal ang isang Toyota Fortuner (DAJ 7470) sa lalawigan ng Cagayan.

May 19 ng gabi nang makipag-inuman umano ang mga biktima sa isang warehouse sa bayan ng Amulung subalit kinaumagahan ay natagpuan na ang kanilang bangkay na may mga tama ng bala sa loob ng isang Honda City (DAD 3558) malapit sa sementeryo sa bayan ng Piat kung saan dalawa sa kanila ay isinako at inilagay sa likod na sasakyan.

Ayon kay Quilang, agad nilang natunton ang warehouse batay sa ipinadalang larawan ng asawa ng isa sa mga biktima kung saan nakuhanan niya ang lugar kung saan sila nag-iinuman at ang mga kasamahan bago sila mapaslang.

Carnapping at onsehan ang sinisilip ng pulisya na motibo sa nasabing krimen.

vuukle comment

CHRISTIAN KAIBIGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with