^

Bansa

3 paslit inatado ng ina, patay!

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines  — Kalunos-lunos na kamatayan ang sinapit ng tatlong paslit matapos na pagtatagain ng kanilang nanay na nagsaksak naman sa sarili makaraang mapatay ang mga anak sa Purok-1, Brgy. Pinagwarasan sa bayan ng Basud, Camarines Norte kahapon ng umaga.

Hindi na umabot ng buhay sa Camarines Norte Provincial Hospital sa bayan ng Daet ang mga biktima na kinilalang si Mitzuki Samonte, 5-anyos, Zuyen Chase, isang taon at walong buwang gulang at Zoe, apat na buwang gulang. Patuloy na inoobserbahan naman ang  kanilang nanay na si Joan Samonte Magistrado, 28.

Sa ulat ni Major Ma.Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Camp Gen. Simeon Ola, alas-10 ng umaga sa hindi malamang dahilan ay biglang pinagtataga ni Joan ang kanyang mga anak gamit ang itak at saka ito nagsaksak sa sarili gamit din ang itak.

Sa inisyal na imbistigasyon ng mga pulis, posibleng wala umano sa sariling katinuan ang suspek dahil nakararanas ito ng tinatawag na “post-partum depression” matapos manganak sa kanyang bunso.

vuukle comment

LUISA CALUBAQUIB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with