COVID testing lab sa Bicol nasira
Legazpi City, Albay, Philippines — Nasira at pansamantalang isinara ng Department of Health Regional Office (DOH) noong Sabado ang kaisa-isang Covid-19 testing laboratory sa Bicol matapos na maapektuhan ng hindi istableng daloy ng kuryente dahil sa pananalasa ng nagdaang bagyong Ambo sa Albay.
Ayon kay DOH regional director Dr. Ernie Vera, itinigil muna nila ang operasyon ng Bicol Regional Diagnostic and Reference Laboratory (BRDRL) makaraang masira ang bio-safety cabinet at exhaust dock na ginagamit ng laboratoryo sa swab testing ng lahat ng samples mula sa mga Covid-19 suspects sa buong rehiyon.
Ang laboratoryo ang nagpoproseso ng RT-PCR testing ng mga swab samples na hinihinalang nasira dahil sa pag-fluctuate ng kuryente sanhi nang pananalasa ni “Ambo” kaya pansamantalang isinara habang inaayos.
Siinabi ni Dr.Vera na lahat ng 146 swab samples na kanilang nakulekta ay ipinadala sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) para sa testing.
- Latest