^

Bansa

2nd tranche ng cash aid nasa kamay ng SC

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
2nd tranche ng cash aid nasa kamay ng SC
Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, ang intensyon ng Bayanihan to Heal As One Act ay bigyan ng tulong ang mga nawalan ng trabaho at mga kita dahil sa COVID-19.
Geremy Pintolo/ File

Para sa low-income families sa GCQ areas

MANILA, Philippines — Tanging ang Korte Suprema lamang ang makakadetermina kung mabibigyan pa ng second tranche ng emergency cash subsidy ang mga low-income families na nasa ilalim ng mga lugar na idineklara na general community quarantine (GCQ).

Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, ang intensyon ng Bayanihan to Heal As One Act ay bigyan ng tulong ang mga nawalan ng trabaho at mga kita dahil sa COVID-19.

Subalit kung tala­gang nakakapagtrabaho na umano ay ang Korte Suprema na lamang ang maaaring mag-interpret kung tama na itigil na ang ayuda sa mga lugar na nagtatrabaho na ang mga tao.

Una nang inanunsiyo ng gobyerno na ang mga nasa ilalim lang ng enhanced community quarantine (ECQ) ang makakatanggap ng P5,000-P8,000 cash subsibdy sa buwan ng Mayo.

Habang ang mga low income families na nasa GCQ ay hindi na makakatanggap ng cash subsidy habang ang mga nasa Modified ECQ ay makakakuha naman.

Nilinaw naman ni Lacson na maaari nilang aprubahan ang supplemental budget para magbigay ng cash subsidies para sa karagdagang 5 milyong pamilya.

vuukle comment

KORTE SUPREMA

PANFILO LACSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with