^

Bansa

Pagkuha ng NBI clearance tuloy na ulit sa GCQ areas

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Maaari nang mag-aplay at magproseso ng kanilang clearance buhat sa National Bureau of Investigation (NBI) ang publiko umpisa ngayong Lunes (Mayo 18) sa mga lugar na inilagay sa general community qua­rantine (GCQ).

Nangangahulugan ito na hindi pa rin bukas ang pagkuha ng NBI clearance sa main headquarters nito sa Ermita, Maynila na nasa National Capital Region, sa Laguna at Cebu City na inilagay sa ‘modified ECQ’.

Maaaring makakuha ng NBI clearance sa mga lugar na nasa GCQ na ngunit kailangang sumunod sa mahigpit na panuntunan ukol sa protocols ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ang publiko.

Kabilang dito ang lahat ng aplikante ay dapat nakarehistro na at nakapagbayad sa pamamagitan ng ‘online transaction’ bago magtungo sa NBI Office sa kanilang lugar sa itinakdang appointment date.

Mahigpit na ipinatutupad ang physical distancing, bawal ang may kasama, at palagiang nakasuot ng face mask.

vuukle comment

NBI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with