P6 million shabu nasabat sa 2 HVT
Cavite, Philippines — Dalawang kapwa High Value Target ng pulisya ang nadakip at nakupiskahan ng P6 milyong halaga ng shabu sa isang buy bust operation sa Barangay Molino 4, Bacoor, Cavite kamakalawa ng hapon.
Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Chiro Gotgotao, 32-anyos, residente ng New Lower Bicutan Taguig City at si Charlie Legaspi, 48-anyos, driver, residente ng Central Signal Village Taguig City.
Sa nakalap na ulat mula Kay Police Col Marlon Santos, Cavite Provincial Director, nakuha sa mga suspek ang 1 kilogram at 5 grams ng shabu na aabot sa halagang Php6,834, 000.00 pesos.
Malaki ang paniniwala ng pulisya na may mabigat na connection sa mga drug syndicates ang mga naarestong suspek.
- Latest