^

Bansa

P100K cash gift sa 80-anyos pataas isinulong

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Magandang balita!

Makikinabang sa P100,000 cash gift mula sa pamahalaan ang mga senior citizens na nagkakaedad ng 80-anyos pataas.

Ito ang  nilalaman ng isinusulong na huling bersyon ng panukalang  pag-aamyenda sa Centenarians Act ni Senior Citizen Partylist Rep. Francisco Datol Jr.

Sinabi ni Datol na sa nais niyang bersyon para amyendahan ang nasabing panukalang batas na isinusulong sa Kamara, ang mga senior citizens ay makakatanggap ng P25,000 sa ika-80 taong kaa­rawan ng mga ito at kada limang taon hanggang sa uma­bot ang mga ito sa 100 taon o kabuuang P100,000 cash gift.

Inihayag nito na upang hindi naman ma­ging mabigat para sa gobyerno ay dapat hatiin sa apat na beses ang pagbibigay ng cash gift sa mga senior citizens at hindi ito maging isang buhos na biyaya na mas mabilis maubos.

vuukle comment

SENIOR CITIZENS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with