^

Bansa

'Lockdown liquor ban' sa QC babawiin sa modified ECQ

Philstar.com
'Lockdown liquor ban' sa QC babawiin sa modified ECQ
Pila ng mga mamimili sa Araneta Ave., Quezon City, ika-27 ng Marso, 2020.
The STAR/Michael Varcas, File

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng pamahalaang Lungsod ng Quezon na isinasawalambisa na ang ipinatutupad na liquor ban, o pagbabawal ng bentahan at pagbili ng alak oras na maging epektibo ang modified enhanced community quarantine (MECQ) bukas, Sabado.

Ang anunsyo ay inilabas sa pamamagitan ng  Executive Order 31, ayon sa ulat ng dzMM.

"[Ang mga retailer] ay papayagan nang magbenta o magpamahagi ng alak, wine, serbesa at iba pang nakalalasing na inumin... sa ilalim ng MECQ," ayon kay QC Mayor Joy Belmonte sa Inggles.

Ang karapatang magbenta at mag-distribute ay ibibigay sa lahat ng tao, entity o establisyamentong merong balidong "Liquor License and Regulatory Board" (LLRB) licenses.

Pero may mga inilatag na mga panuntunan tungkol sa pagbebenta at pagbili nito:

  • papayagan lang ang pagbebenta at distribution ng alak sa pagitan ng 1:00 p.m. hanggang 5 p.m.
  • lilimitahan lang din ang arawang pagbili ng alak sa pansariling pankonsumo sa mga sari-sari store, supermarket, grocery at liquor stores
  • hihingian ng valid government-issued ID ang mga bibili para sa pansariling konsumo habang kukunan naman ng Business Permits and Licensing Department (BPLD) issued business permit ang mga negosyong bibili nito 

"Ang pagkonsumo ng anumang alak, wine, serbesa o anumang nakalalasing na inumin ay papayagan lang sa loob ng pribadong pamamahay sa loob ng MECQ," dagdag pa ng kautusan.

Maaari namang ipasara, suspindihin o ibasura ang permit o lisensya ng mga establisyamentong lalabag dito.

Maaari namang humarap sa pagkakaaresto o pagharap sa kasong paglabag sa Republic Act 11332 ang mga makikitang nagsasagawa ng "illegal consumption."

Ika-13 ng Mayo nang maaresto ang 51-anyos na lalaki sa Quezon City kaugnay ng liquor ban, matapos mahuling nagtra-transport ng 27 bote ng alak sa Brgy. Old Capitol Site, Quezon City.

Una nang binawi ng Lungsod ng Pasay ang kanilang liquor ban kahapon, matapos amyendahan ang Section 2 ng City Ordinance 2020-6099, isang araw bago ang huling araw ng regular na ECQ sa Metro Manila.

Kasalukuyang nagpapatupad ng liquor ban ang iba't ibang lugar sa bansa bilang bahagi na rin ng quarantine measures kontra sa pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19). — James Relativo

vuukle comment

LIQUOR BAN

MODIFIED ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE

QUEZON CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with