^

Bansa

‘2.5 milyong nawalan ng trabaho’ - DOLE

Pilipino Star Ngayon
�2.5 milyong nawalan ng trabaho� - DOLE
Sinabi ni Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III na maaaring tumaas pa ang naturang bilang kapag hindi nakapagpatupad ng mga flexible arrangement ang mga negosyo.
STAR/ Geremy Pintolo file

MANILA, Philippines — May 2.5 milyong manggagawa ang pansamantala o permanenteng nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19.

Sinabi ni Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III na maaaring tumaas pa ang naturang bilang kapag hindi nakapagpatupad ng mga flexible arrangement ang mga negosyo.

“Itong figure natin baka lolobo pa ‘yan, kaya ang dapat natin gawin ngayon ay gumawa tayo ng mga advisory, sa mga employers at business establishments para mag adopt ng iba’t-ibang klaseng arrangements para mabawasan ang pagtatanggal o pagsasara,” giit pa ni Bello.

Naunang ipinahayag ni Finance Secretary Carlos Dominguez na 1.2 hanggang 1.5 milyong trabaho ang pansamantalang nawala dahil sa pandemic.

Sinabi rin ni Bello na ang mga kumpanyang nawawalan ng pera dahil sa COVID-19 ay maaaring magbigay sa kanilang mga empleyado ng temporary suspension, limitahan ang oras ng trabaho o magpatupad ng rotating schedules para maiwasan ang retrenchment.

Nauna ring inilunsad ng DOLE ang isang cash aid program para sa mga local at overseas Filipino worker na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19. Gayunman, mabilis na nauubos ang pondo dahil sa napakaraming bilang ng mga benepisyaryo, ayon sa kalihim.

vuukle comment

COVID-19

SILVESTRE BELLO III

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with