^

Bansa

Hiling na isapubliko ang 'health records' ni Duterte ibinasura ng Korte Suprema

Philstar.com
Hiling na isapubliko ang 'health records' ni Duterte ibinasura ng Korte Suprema
Makikitang may baston si Duterte sa October 2019 photo na ito nang mapaiksi ang kanyang pananatili sa Japan bunsod ng naunang aksidente sa motorsiklo.
Released/Sen. Christopher "Bong" Go

MANILA, Philippines — Ibinasura ng Korte Suprema ang mga petisyong nag-oobliga sa gobyernong ilabas ang "health bulletin" ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa botong 13-2, sinabi ng News5 na dinismiss ang "extremely urgent petition for mandamus" na inihain ng abogadong si Dino de Leon para utusan ang Office of the President at/o si Executive Secretary Medialdea na ilabas ang tunay na lagay ng kalusugan ng presidente.

Hindi pinangalanan ng news organization kung saan nila nakuha ang impormasyon.

Iniutos din ni De Leon na sumailalim sa confirmatory tests si Digong at mailabas ang mga resulta. Ito ay para makumpirma kung nasa mabuting lagay si Duterte para pamunuan ang Pilipinas.

Hindi pa rin inilalabas sa publiko ang desisyon ng korte.

Petisyon ni De Leon

Sa kanyang hiling na makakuha ng writ of mandamus, tinukoy ni De Leon ang mga sakit ni Duterte — bagay na kanya nang inamin:

  • Myasthenia Gravis
  • Buerger’s Disease
  • GERD
  • Barrett’s Esophagus

Sa pag-amin daw ni Duterte, makikita raw na humaharap sa sari-saring seryosong sakit ang pangulo: "[S]a minimum, makakapagsanhi ito ng seryosong kahirapan at kapinsalaan sa paggampan niya ng gawain," sabi niya sa Inggles.

Sinabi rin ng petitioner na umamin si Duterte sa paggamit ng Fentanyl, isang tipo ng "opiod pain medication."

"Mahalaga para sa sambayanang Pilipinol na malaman kung meron ba o walang balakid sa kanyang pagdedesisyon, kung malaya ba siya sa anumang kondisyon o substance na maaaring makaapekto para gumawa ng mahusay na hatol," dagdag niya. — James Relativo at may mga ulat mula kina Kristine Joy Patag at News5/Dale De Vera 

vuukle comment

HEALTH

RODRIGO DUTERTE

SUPREME COURT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with