^

Bansa

Buntis, seniors bawal muna sa LRT, MRT, PNR

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Buntis, seniors bawal muna sa LRT, MRT, PNR
Ito’y kahit pa tuluyan nang magbalik ang ope­rasyon ng mga tren ng LRT-1, LRT-2, MRT-3 at Philippine National Railways, sakaling maisailalim na ang Metro Manila sa general community quarantine sa Mayo 16.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Hindi muna papayagan ng Department of Transportation  na sumakay sa apat na railways system sa Metro Manila ang mga ikinokonsiderang ‘highly vulnerable’ sa COVID-19 tulad ng buntis at senior citizen.

Ito’y kahit pa tuluyan nang magbalik ang ope­rasyon ng mga tren ng LRT-1, LRT-2, MRT-3 at Philippine National Railways (PNR), sakaling maisailalim na ang Metro Manila sa general community quarantine (GCQ) sa Mayo 16.

Ayon kay Assistant Transport Secretary Goddes Libiran, ang ban sa mga ‘highly-vulnerable people’, gaya ng buntis, mga batang nasa 20-anyos pababa ang edad at mga senior citizen o 60-anyos pataas ay batay sa guidelines ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases sa mga lugar na nasa GCQ, na nagsasaad na dapat manatili ang mga bata, buntis at matatanda sa kanilang tahanan sa lahat ng pagkakataon, maliban na lamang kung hindi maiiwasan.

Ito’y upang maiiwas sila na mahawahan ng virus, na nakapambiktima na ng mahigit 10,000 indibidwal at naging dahilan nang kamatayan ng mahigit 600 pasyente.

Una na rin namang tiniyak ng DOTr na magpapatupad sila ng mga kaukulang pag-iingat para masigurong hindi magkakaroon ng hawahan ng virus sa mga tren, gaya nang paglilimita sa bilang ng mga pasaherong papayagang makapasok sa istasyon at makasakay ng mga tren.

Inaasahan naman na mas lalong hahaba ang pila at magtatagal ng dalawa hanggang tatlong oras ang ipaghihintay ng mga pasahero bago makasakay ng tren at makarating sa kani-kanilang destinasyon.

Magtatalaga rin sila ng marshals sa loob ng mga tren para masigurong hindi magkakaroon ng crowding.

Bukod sa physical distancing, kakailanganin din ng mga pasahero na magsuot ng face masks at dumaan sa thermal scanners para masukat ang kanilang temperatura.

Ang mga pasaherong walang face masks at may body temperature na 37.8 degrees Celsius pataas ay hindi papayagang sumakay ng tren.

Maglalagay rin sila ng hand washing o disinfectant stations sa bawat istasyon ng mga tren.

vuukle comment

DOTR

IATF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with