^

Bansa

TRO ng SC tanging remedyo ng ABS-CBN

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
TRO ng SC tanging remedyo ng ABS-CBN
Mariin naman kinondena ni Drilon ang naging hakbang ng NTC at sinabing ito ay grave abuse of discretion at paglabag sa equal protection clause ng konstitusyon.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Ang paghingi ng temporary restraining order (TRO) mula sa Korte Suprema ang tanging remedyo na maaaring gawin ng ABS-CBN matapos silang ipasara ng National Telecommunication Commission (NTC).

Sinabi ni Senate Minority leader Franklin Drilon, na sana ay mag-isyu agad ng TRO ang Supreme Court (SC) lalo na ngayon na lahat ay nakikinig sa nasabing himpilan para malaman ang status at update ng COVID-19 pandemic.

Giit ni Drilon, kung walang sapat na komunikasyon ay tiyak na mapeperwisyo ang taumbayan.

Mariin naman kinondena ni Drilon ang naging hakbang ng NTC at sinabing ito ay grave abuse of discretion at paglabag sa equal protection clause ng konstitusyon.

Pinuna din ng minority leader kung bakit pinayagan ng NTC ang ibang istasyon na mag-operate kahit na expired na ang kanilang lisensya para mag-ope­rate habang nakabinbin pa sa kongreso ang kanilang aplikasyon.

vuukle comment

ABS-CBN

SUPREME COURT

TRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with