^

Bansa

P30,000 pabuya inalok sa makapagtuturo ng kurakot sa 'lockdown ayuda'

James Relativo - Philstar.com
P30,000 pabuya inalok sa makapagtuturo ng kurakot sa 'lockdown ayuda'
Kuha ni Pangulong Rodrigo Duterte habang nabibigay ng update sa bansa patungkol sa mga efforts ng gobyerno kontra coronavirus disease (COVID-19)
Presidential Photo/Toto Lozano

MANILA, Philippines — Nag-alok ng libu-libong pabuya ang pangulo ng Republika ng Pilipinas sa sinumang makapagtuturo sa mga opisyal na magbubulsa sa social amelioration program (SAP), na inilaan ng gobyerno para sa mga mahihirap ngayong quarantine period.

'Yan ay sinabi kagabi ni presidential spokesperson Harry Roque matapos ang talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte patungkol sa coronavirus disease (COVID-19), Martes.

"Inatasan po ako ng ating Pangulo na inanunsyo... siya po ay magbibigay ng pabuya ng 30,000 pesos sa lahat po na magre-report ng mga local officials na kumakana o kinukurakot ang mga ayuda para po sa mga mahihirap," ani Roque.

Sinabi niya 'yan matapos manggalaiti ni Duterte sa isang kagawad ng baranggay mula sa Bulacan, na nakinabang daw sa ayuda para sa sariling kapakinabangan.

Ang pera, ginamit daw ng pulitiko para bumili ng telebisyon.

"Kagaya nitong baranggay Kagawad Danilo Flores ng Agustin, Hagonoy, Bulacan. Ang p***** i** mo, nakuha ka pa ng television... Susmaryosep," ani Digong.

"[I]kaw may trabaho ka na, kagawad ka, ang p***** i** kukunin mo pa ‘yung pera ng mahirap."

Dismayado ang presidente dahil sigurado raw siyang binoto si Flores dahil inaakala nilang matapat at may integridad siya, 'yun pala ay kawatan ng ayuda.

Namamahagi ngayon ng P5,000 hanggang P8,000 SAP ang gobyerno bilang tulong sa mga low-income families na apektado ng lockdown, na ibinaba ng pamahalaan laban sa nakamamatay na coronavirus disease (COVID-19).

Tanging 104 sa 1,632 local government units ang nakasunod sa April 30 deadline ng gobyerno para maipamahagi ang nasabing cash subsidy, ayon sa huling tala noong nakaraang linggo ni Social Welfare Secreary Rolando Bautista.

"Tumawag lang po kayo sa 8888," sabi ni Roque sa lahat ng nakakaalam ng katiwalian sa SAP.

"At ‘pag napatunayan po ‘yung inyong reklamo sa korapsyon laban sa mga lokal na opisyales na kinukurakot iyong mga ayuda na ipinamimigay ng gobyerno, 30,000 pesos po ang pabuya na ibibigay ng ating presidente sa inyo."

Ginagawa raw ito ng pamahalaan dahil sa "zero tolerance" ni Duterte sa korapsyon.

Related video:

vuukle comment

AID

CORRUPTION

HARRY ROQUE

NOVEL CORONAVIRUS

RODRIGO DUTERTE

SOCIAL AMELIORATION PROGRAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with