^

Bansa

Kamara balik sesyon na

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

Video conferencing isasagawa

MANILA, Philippines — Matapos ang halos dalawang buwan, balik-sesyon na muli ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na nagpatupad ng mahigpit na health protocols kaugnay ng krisis sa coronavirus disease 2019.

Pinangunahan ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang pagbubukas muli ng sesyon at dahilan sa banta ng COVID-19 ay 25 mambabatas lamang ang pinahintulutang dumalo sa  session hall habang 276 naman ang nakilahok sa ZOOM teleconferencing at live streaming.

Sinabi ni Caye­tano na tulad noong ipasa ang Bayanihan To Heal As One Act  o ang Repubic Act 11469 ay magdaraos sila ng video confe­rencing sa plenary session.

Napagkasunduan rin na sa pagsasagawa ng pagdinig ng mga komite, technical working group meetings, administrative meetings, political caucus at press conferences ay isasagawa sa pamamagitan ng video conferencing.

Ipinatupad din ang social distancing ng mga mambabatas at nakasuot din ang mga ito ng facemask bilang bahagi ng protocol.

vuukle comment

KAMARA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with