^

Bansa

Mga senior citizens na walang kasama sa bahay, papayagang lumabas sa GCQ

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Mga senior citizens na walang kasama sa bahay, papayagang lumabas sa GCQ
Ayon pa kay Año, plano nilang paglaanan ng special lane ang mga matatanda para maging mabilis ang kanilang mga transaksiyon at kaagad ring makauwi.
STAR/Miguel De Guzman, file

MANILA, Philippines — Nilinaw ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na papayagang lumabas ng tahanan para mamili ng pagkain o gamot ang mga senior citizen na naninirahan sa mga lugar na isasailalim sa gene­ral community quarantine (GCQ), ngunit walang ibang kasama sa kanilang tahanan.

Ginawa ni Año ang paglilinaw kasunod nang pag-alma ng ilang senior citizen sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na pagbawalang lumabas ng bahay ang mga senior citizen na naninirahan sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ.

Ayon pa kay Año, plano nilang paglaanan ng special lane ang mga matatanda para maging mabilis ang kanilang mga transaksiyon at kaagad ring makauwi. 

Pero payo ng kalihim, hanggat maaari ay huwag na munang lumabas ng bahay ang mga mamamayang nasa 60 taong gulang pataas, kung hindi naman kinakailangan dahil nananatili pa rin ang banta ng COVID-19.

Matatandaang sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ), hindi binibigyan ng quarantine pass ang mga senior citizen upang hindi makalabas ng ta­hanan bilang pag-iingat na rin sa kanila, lalo na at karamihan sa mga dinadapuan ng COVID-19 na binawian ng buhay ay mga matatanda, partikular na kung dati na silang may iniindang karamdaman.

 

vuukle comment

SENIOR CITIZENS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with