^

Bansa

6 patay sa Tondo fire habang nananalasa ang COVID-19 sa bansa

James Relativo - Philstar.com
6 patay sa Tondo fire habang nananalasa ang COVID-19 sa bansa
Kuha ng mga bumbero't residente sa Tioco St., Maynila matapos tupukin ng apoy ang mga kabahayan, ika-30 ng Abril, 2020.
News5/Justinne Punsalang

MANILA, Philippines — Patay ang anim na katao habang dalawa naman ang sugatan sa isang baranggay sa Tondo, Maynila, nang umaga matapos sumiklab ang sunog, Huwebes nang umaga.

Pasado 6:37 a.m. nang magsimulang tupukin ng apoy ang ilang istruktura sa Tioco corner Tapuri St. sa baranggay 89 zone 1 na sinasabing nagsimula sa bahay ng isang Alfredo Estabillo.

Dalawa sa mga namatay ay menor de edad habang itinaas sa first alarm ang sunog.

"Na-identify na po lahat ang anim na nasawi sa nasabing sunog. At ito po ay magkakaparehong apelido po ano po. Ito po'y magkaka-anak," sabi ni Bureau of Fire Protection spokesperson Senior Superintendent Geranndie Agonos sa panayam ng dzMM.

Kasama sa mga casualty sina:

  • Nathalie Nicole Sorbito, 17-anyos
  • Shane Bernadette Sorbito, 16-anyos
  • Elizabeth Mendoza, 48-anyos
  • Janet Rosales, 49-anyos
  • Eugenio Pacia, 48-anyos
  • Remedios Pacia, 70-anyos

Ayon sa Manila Fire District, tinatayang nasa P150,000 ang pinsalang dinulot ng sunog, na nagsimula raw sa ikalawang palapag.

Sabi pa ni Agonos, iniimbestigahan pa kung ano ang puno't dulo ng pagkakatupok ng mga kabahayan. Idineklara naman ang "fire out" pagsapit ng 7:52 a.m.
 
Sa datos ng BFP, numero uno ang electrical fire sa mga nagsasanhi ng sunog, ikalawa naman ang upos nang yosi habang naiwang apoy naman ang ikatlo.

"Bagama't tayo po ay nasa gitna po ng [COVID-19] pandemic ano... Ang lagi pong paalala ng BFP ay wag po nating iiwan 'yung mga open flame kung tayo ay nagluluto, nagsindi ng kandila, o gumagamit ng gasera," dagdag ni Agonos.

"At kung tayo naman po ay gumagamit ng kasangkapang elektrikal, wag po nating iiwan kung hindi naman na ginagamit, kasi 'yung mga nakaraang sunog po natin dito po sa... Tondo ay ganoon din po ano."

Plano ni Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso na magbaba ng "hard lockdown" sa unang distrito ng Tondo laban sa COVID-19 sa darating na ika-3 o ika-4 ng Mayo para hindi na kumalat pa ang virus, na pumatay na sa tumama na sa 8,212 at pumatay naman sa 558.

Ipapatupad ito sa naturang lugar sa loob ng 48 na oras: "The area will be a ghost town for two days," ani Domagoso.

Pinag-aaralan namang isunod mayor ang lockdown sa Malate, San Andres at Sta. Cruz. — may mga ulat mula sa News5

vuukle comment

BUREAU OF FIRE PROTECTION

FIRE

FRANCISCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with