^

Bansa

Hirit ng mga mayors: Bicol ‘wag alisin sa ECQ

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

Legazpi City, Albay , Philippines — Humirit ang liga ng mga alkalde sa Albay sa Inter-Agency Task Force on Infectious Disease (IATF) at sa gobyerno na ibalik ang lalawigan sa mga lugar na nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) matapos na i-anunsyo ni Presidential spokesperson Harry Roque na simula Mayo 1 ay aalisin na ang Bicol kasama ang Albay sa ECQ at sa halip kasama na sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).

Sinabi nina Albay League of Municipal Mayors President at Libon Mayor Das Maronilla at League of City Mayors President Noel Rosal na patuloy na nadaragdagan ang kaso ng Covid-19 positive sa Kabikulan lalo na sa Albay na may pinakamaraming kasong naitala.

Posibleng masayang lang umano ang ipinatupad nilang ilang linggong implementasyon ng ECQ pati na ang pagod at perang ginastos sakaling dumami na naman ang kaso ng virus sa lalawigan.

Noong Martes ng gabi umakyat na sa 38 ang kaso sa Bicol makaraang tatlo ang naidagdag sa Albay dalawa rito ay taga-Legazpi.

vuukle comment

AITF

DAS MARONILLA

ECQ

NOEL ROSAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with