Resulta ng 2019 Bar Exams ilalabas ngayon
MANILA, Philippines — Tuloy ang pagpapalabas ng Korte Suprema ng resulta ng 2019 Bar Examinations ngayong Miyerkules sa pamamagitan ng opisyal na website nito.
Ayon kay SC Public Information Officer chief Brian Hosaka, makikita ang resulta ng pagsusulit sa pamamagitan ng sc.judiciary.gov.ph website.
Nabatid na may kabuuang 7,699 law graduates ang nakakumpleto ng 2019 Bar Examinations na ginanap noong Nobyembre 2019 sa University of Santo Tomas.
Panawagan ng SC na walang pupunta sa kanilang compound dahil sa hindi ipapaskil ang listahan ng mga bar passers sa gusali.
- Latest