^

Bansa

DILG suportado ang batas militar kung 'atake ng NPA tuloy-tuloy'

James Relativo - Philstar.com
DILG suportado ang batas militar kung 'atake ng NPA tuloy-tuloy'
Kuha nina DILG Secretary Eduardo Año (kaliwa) at Pangulong Rodrigo Duterte (kanan) sa Philippine International Convention Center, ika-1 ng Agosto, 2019.
Presidential Photo/Ace Morandante

MANILA, Philippines — Kung hindi mahihinto ang mga engkwentro sa pagitan ng militar at New People's Army, susuportahan daw ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagdedeklara ng martial law habang may coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año sa panayam ng GMA News, 'yan ay kung patuloy daw na "aatakihin" ng NPA ang mga nagsasagawa ng relief operations sa gitna ng enhanced community quarantine (ECQ).

"Kaya nagbabala ang pangulo na kung magtutuloy-tuloy ang ganyan at lalo pa nilang aatakihin yung mga tumutulong at escort ng ating barangay officials ay sabi niya idedeklara niya ang martial law," ani Año, Lunes.

"Kung dumating ang pagkakataon na ‘yan, talagang susuportahan natin ang ating Pangulo."

Ika-24 ng Abril nang isatelebisyon ang banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na magdedeklara ng martial law matapos diumano patayin ng NPA ang dalawang sundalong sumasama sa mga nagdadala ng mga suplay at pera sa mga tao habang COVID-19 lockdown.

Aniya, kawalan daw ng batas ang ginagawa ng mga rebelde. 

"Kaya ngayon, 'pag nagpatuloy kayo ng lawlessness ninyo, patay dito, patay doon, and it's happening all over the Philippines, maybe I will declare martial law because kayong mga NPA, kayo ang mga numero uno," ani Digong.

Bagama't hindi sinabi ni Duterte kung saan at sino ang mga napatay na sundalo, dalawang sundalo ang napatay ng pinaghihinalaang mga miyembro ng NPA sa Aurora noong Martes.

Noong isang linggo lang nang palawigin ni Duterte ang ECQ sa iba't ibang bahagi sa Luzon, Visayas at Mindanao kaugnay ng COVID-19 crisis, na labis na naglilimita sa pagkilos ng mga residente, sa pagsusumikap na hindi na kumalat ang virus.

'Active defense'

Pero depensa ng Communist Party of the Philippines, na partidong namumuno sa NPA, hindi totoong nag-eescort ng relief workers ang mga sundalo papunta sa mga baro nang mangyari ang engkwentro.

"With the implementation of the Luzon lockdown, the 91st IB used pretend Covid-19 relief work as a pretext and justification for intensifying its anti-NPA operations in the area against the New People’s Army," sabi ni Marco Valbuena, chief information officer ng CPP noong Biyernes.

Dagdag pa nila, ika-4 ng Marso pa raw nasa Sitio Dayap, Barangay Punglo sa Aurora ang 91st Infantry Battallion para sa "combat patrols" at "pursuit operations" laban sa NPA kahit na nagdeklara ng unilateral ceasefire si Duterte mula ika-19 ng Marso hanggang ika-15 ng Abril.

Matatandaan namang pinalawig ng CPP ang tigil-putukan laban sa gobyerno hanggang ika-30 ng Abril, habang nananatiling nasa striktong "active defense operations" para makatulong ang mga rebelde sa laban kontra COVID-19 sa mga komunidad.

Sa isang pahayag naman kahapon, sinabi ni National Democratic Front odf the Philippines -  Ilocos spokesperson "Ka Rosa" Guidon na magkakaroon lang ng putukan kung papasok ang Philippine Army sa mga baseng gerilya dulot ng combat operations.

"Combined with civil-military encampment and intelligence gathering, these operations [of the military] cause further anxiety and trauma among civilian populations," sabi ni Guidon.

"Alternately, through the Task Force to End Local Communist Armed Conflict, it relentlessly harasses and endangers mass leaders of legitimate organizations."

Wika pa ng NDFP, na humaharap noon sa gobyerno sa peace talks, "lumang balita" na raw ang mga paratang laban sa NPA na ginagamit ngayon para ikatwiran ang martial law.

Simula Marso, nakapagtala na raw ang CPP ng 14 pag-atake ng militar, kasama ang apat na aerial bombardments mula sa 1001st IB, Philippine Air Force, 4th Infantry Division, at 27th IB. Bukod pa raw 'yan sa mga rights violations na nangyari.

vuukle comment

COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES

EDUARDO ANO

MARTIAL LAW

NEW PEOPLE'S ARMY

NOVEL CORONAVIRUS

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with