^

Bansa

Barangay sa Bacoor nasa total lockdown

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Barangay sa Bacoor nasa total lockdown
Ayon sa Facebook Page Ng Cavite Connect at Bacoor City Health Office, 7 araw simula Abril 24 hanggang Abril 30 ipatutupad ang total lockdown sa Barangay Molino 3, Bacoor.
Michael Varcas/ File

MANILA, Philippines — Isang barangay sa lalawigan ng Cavite  ang isinailalim sa Total Lockdown sa loob ng isang linggo.

Ayon sa Facebook Page Ng Cavite Connect at Bacoor City Health Office, 7 araw simula Abril 24 hanggang Abril 30 ipatutupad ang total lockdown sa Barangay Molino 3, Bacoor.

Walang residente ang maaaring lumabas ng kanilang bahay at lahat ng daanan at kalsada ay isasara at babarikadahan ng kapulisan.

Magbibigay ng mga bagong Qurantine ID pass pero ito ay limitado lamang.

Ang mga pagkain, important supplies, gamot at iba pang mga pangunahing pangangailangan ay idadaan na lamang sa pamamagitan ng Online Market delivery, Mercury drug delivery system, SM Watsons, Mobile Palengke at iba pang rolling stores.

Hindi rin papayagang ang lahat ng klase ng transportasyon sa nasabing barangay.

Inilagay ang Barangay Molino 3 sa total lockdown matapos na ito ang manguna sa dami ng pasaway at bilang ng kaso ng COVID-19 sa lunsod ng Bacoor.

vuukle comment

BACOOR CITY

QURANTINE ID PASS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with