^

Bansa

Lahat ng lalapit kay Duterte sasailalim muna sa rapid test

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Lahat ng lalapit kay Duterte sasailalim muna sa rapid test
Ang rapid test ay idadagdag sa ipinatutupad na medical assessments at mahigpit na panuntunan ng PSG upang matiyak na ligtas at hindi magkakaroon ng COVID ang Pangulo.
Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Upang matiyak na hindi magkakaroon ng COVID-19 si Pangulong Rodrigo Duterte, lahat ng lalapit sa kanya ay dapat sumailalim sa rapid test.

Ang kautusan ay ipinalabas ng Presidential Security Group bilang dagdag na proteksiyon sa kalusugan ng Pangulo.

Ayon kay PSG commander Col. Jesus Durante, lahat nang makikipag-usap sa Pangulo ay sasailalim sa screening procedures kabilang na ang rapid testing.

Walang exempted sa procedure na gagawin sa mga high-ranking government officials, PSG troopers, at mga closed-in security ng Pangulo.

Ang rapid test ay idadagdag sa ipinatutupad na medical assessments at mahigpit na panuntunan ng PSG upang matiyak na ligtas at hindi magkakaroon ng COVID ang Pangulo.

Ang rapid test ay isasagawa ng PSG Task Force COVID-19 medical team. Kaiba ito sa Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test kits na isinasagawa sa RITM.

Ang mga magpo-positibo sa test ay hindi papayagang makapasok sa pasilidad kung nasaan ang Pangulo lalo na kung kakikitaan sila ng lagnat at iba pang sintomas ng COVID-19.

Hindi naman itinuturing ng PSG na ang resulta ng rapid test ay “definite” at “absolute” at subject pa rin ito sa kumpirmasyon ng RT-PCR test na ginagawa sa RITM.

vuukle comment

COVID-19

PRESIDENTIAL SECURITY GROUP

RAPID TEST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with