^

Bansa

Pag-utang sa IMF, WB pantustos sa COVID crisis

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Iminumungkahi ni ACT-CIS partylist Rep. Eric Go Yap na pwedeng umutang ang pamahalaan sa International Monetary Fund at sa World Bank para masolusyunan ang pangtustos sa lahat ng ating mga kababayan na apektado ng pandemic na COVID-19.

Bilang chairman ng appropriation committee sa Kamara, iginiit ni Yap na siguradong papautangin tayo dahil maganda ang credit rating ng bansa sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Kung ako ang masusunod as chairman ng appropriation committee, gusto ko lahat ng Filipino mabigyan ng cash assistance pero siyempre depende sa executive branch yan,” ayon kay Yap.

Dagdag ni Yap, pwede tayong makautang hanggang P1 trillion sa IMF o sa World Bank para masigurong mabibigyan ng ayuda ang lahat ng Filipino na apek­tado ng pansamantalang pagtigil ng ekonomiya dahil sa ipinapatupad na Luzon-wide Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Layunin ni Yap na mabigyan lahat ng Filipino lalo na ang mga frontliners, maging mga pulis, sundalo, OFW, seamen, barangay officials at iba pa na hindi makapag-trabaho dahil sa lockdown.

Pero iminungkahi rin niya na dapat ay exempted sa tulong ang mga milyonaryo at pamilya nito, mga senador at congressmen, cabinet officials, maging mga governor at mayor.

vuukle comment

ERIC GO YAP

INTERNATIONAL MONETARY FUND

WORLD BANK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with