^

Bansa

Magdi-discriminate sa health workers hulihin!

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

Duterte sa PNP

MANILA, Philippines — Inutos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa PNP na hulihin ang lahat ng mga magdi-discriminate sa mga health workers at dalhin sa Bicutan.

“I’d like to order the police. If there’s a report of somebody harassing or facing a discriminatory act, you arrest the person. Huwag mong bitawan hanggang hindi ko sinabi na bitawan. Tawagan ko lang kayo kung panahon na na ano. Lalo na ‘yang binabato ‘yung bahay. Hulihin mo. Dalhin mo sa Bicutan, huwag mong i-release,” utos ng Pangulo sa kanyang ikatlong ulat sa bayan.

Ayon sa Pangulo, isinusugal ng mga doktor at health workers ang kanilang buhay para sa mga tinamaan ng COVID-19.

Ipinunto rin niya na hindi dapat i-discriminate ang mga health workers dahil paglabas nila ng ospital ay naglinis na ng katawan ang mga ito at nagpalit na ng damit.

“Bakit ninyo…? Tutal paglabas niyan sa hospital, hoy, mga g***, cleaned na ‘yan sila. Naghugas na ‘yan. ‘Yung mga damit nilang sinuot doon hinubad na. Hubad lahat, walang naiwan. Panibago. So huwag ninyong i-discriminate ‘yan,” sabi ni Duterte.

Nauna rito, napaulat ang ilang insidente ng diskriminasyon sa mga health workers katulad nang pambabato sa bahay o kaya ay pagpapaalis sa mga nirerentahang bahay o kuwarto.

Inatasan din ng Pangulo ang PNP na kung may makikitang health workers na naglalakad pauwi ay ihatid sa kanilang tahanan.

vuukle comment

DISCRIMINATION

DUTERTE

HEALTH WORKER

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with