^

Bansa

Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas 4,076 na; Patay sa sakit umabot ng 203

James Relativo - Philstar.com
Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas 4,076 na; Patay sa sakit umabot ng 203
Sama-samang lumuhod upang humingi ng tawad ang mga mananampalatayang nagso-social distancing ngayong Mahal na Araw.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines (Update 1, 7:05 p.m.) — Patuloy na nagpapatong-patong ang bilang ng mga panibagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa, ayon sa pinakahuling ulat ng Department of Health ngayong Huwebes Santo.

Inanunsyo ng DOH ang dagdag na 206 COVID-19 cases ngayong araw, dahilan para umabot na ito sa 4,076.

Nasa 203 na rin ang kabuang bilang ng mga namatay matapos itong madagdagan ng 21, patuloy ng Health department.

Nakatakas naman sa panganib ng virus ang 28 pa sa pag-abot ng total recoveries sa 124. Karamihan pa rin sa mga kaso ay mga lalaki.

Matatandaang pinalawig ni Pangulong Rodrigo Dutete ang enhanced community quarantine sa buong Luzon para maiwasan ang lalong pagkalat ng nakamamatay na karamdaman sa bansa.

Kasunod ng bansang Indonesia, Pilipinas ang ikalawang may pinakamaraming bilang ng namatay sa COVID-19 sa buong Timog-Silangang Asya.

Dahil sa mabilis na pagdami ng tinatamaan at siksikang mga ospital, itinatransporma na ang ilang lugar gaya ng Philippine Arena, World Trade Center, Philippine International Convention Center, atbp. bilang "quarantine facilities" ng mga patients under investigation (PUIs), patients under monitoring (PUMs) at COVID-19 patients.

Tinatayang magsisimula na rin ang mass testing para sa mga PUIs at PUMs sa susunod na linggo simula ika-14 ng Abril.

Lumobo na sa 79,235 ang pumanaw dulot ng virus sa buong mundo habang 1,353,361 na ang tiyak na tinamaan nito, ayon sa World Health Organization.

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with