^

Bansa

Angara gumaling na sa COVID-19, aabot sa birthday ng anak

Philstar.com
Angara gumaling na sa COVID-19, aabot sa birthday ng anak
Makikita sa file photo na ito ang kuha ni Sen. Sonny Angara.
The STAR/Geremy Pintolo, File

MANILA, Philippines — Kinumpirma ni Sen. Sonny Angara na gumaling na siya mula sa nakamamatay na coronavirus disease (COVID-19), ayon sa isang pahayag, Lunes.

"Matapos ang ilang araw sa [emergency room] at COVID wing, pinauwi na ako ng mga doktor ko ngayong araw — negatibo sa virus at wala nang pulmonya," sabi ng senador sa Inggles.

Isa si Angara sa tatlong mambabatas na tinamaan ng COVID-19 sa Senado, kasama sina Sen. Juan Miguel Zubiri at Sen. Koko Pimentel.

Lubos din siyang nagpapasalamat sa lahat ng nasa frontlines na tiniyak ang kanyang ikalawang pagkakataong mabuhay habang nakikipagbuno sa sakit.

"Nakasalamuha ko ang mga nurse at mga doktor na hindi na umuuwi, minsan nagdo-double duty pa sa ibang mga ospital. Sila ang mga totoong bayani," dagdag niya.

"Makakauwi ako kasama ang anak ko oras na magdiwang siya ng kanyang kaarawan ngayong weekend ngunit marami sa mga health workers natin ang hindi man lang makakauwi para maprotektahan ang kanilang mga pamilya."

Dagdag tulong para sa frontliners

Kaugnay niyan, mabibigyan ng "special risk allowance" (SRA) ang mga frontline public health workers habang ipinatutupad ang enhanced community quarantine, ayon sa Administrative Order 28 ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa ilalim nito, bibigyang kapangyarihan ang national government agencies, government-owned or controlled corporations (GOCCs) at local government units (LGUs) na magbigay ng "one-time" COVID-19 special risk allowance.

"[K]atumbas ito ng 25% ng buwanang sweldo, para sa Public Health Workers (PHWs) na may matinding exposure sa health risks at kahirapan habang ginagampanan ang trabaho buhat ng COVID-19 pandemic," sabi ni Duterte.

Kabilang sa kanila ang mga:

  • civilian employees na may regular, kontraktwal, casual o part-time na posisyon sa trabaho
  • manggagawang ma7y "contract of service" o job order, kasama ang mga Barangay health Workers (BHWs) basta't nakatalaga sila sa mga ospital at healthcare facilities

Magiging "pro-rated" din ang matatanggap nilang SRA batay kung gaano sila katagal sa trabaho.

Narito ang porsyentong makukuha nila batay sa kanilang ilalagi sa lugar:

  • tatlo hanggang pitong araw (25% ng incentive)
  • walo hanggang 12 araw (50% ng incentive)
  • 13 hanggang 17 araw (75% ng incentive)
  • 18 araw pataas (100% ng incentive)

Hindi naman saklaw ng SRA ang mga consultant at dalubhasa na saglit lang gumampan ng espisipikong gawain.

Hindi rin makakukuha nito ang mga manggagawang "pakyaw" at binabayaran sa "piecework basis."

Gayundin ang mga estudyanteng nagtratrabaho, apprentices at iba pang COS, JOs at BHWs na hindi magtratrabaho sa ospital at health facilities. — James Relativo at may mga ulat mula kina The STAR/Paolo Romero at Alexis Romero

vuukle comment

HEALTH WORKERS

NOVEL CORONAVIRUS

SONNY ANGARA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with