^

Bansa

'Lockdown' extension maaaring desisyunan sa susunod na linggo — Galvez

James Relativo - Philstar.com
'Lockdown' extension maaaring desisyunan sa susunod na linggo � Galvez
Nanunuod ng talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng community quarantine ang isang residente sa telebisyon.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Posibleng pagdesisyunan ni Pangulong Rodrigo Duterte kung palalawigin o ititigil na ang pagapatupad ng enhanced community quarantine sa Luzon ngayong weekend o sa susunod na linggo, ayon sa action plan kontra coronavirus disease (COVID-19) ng gobyerno.

'Yan ang binanggit, Lunes, ni Office of the Presidential Adviser on the Peace Process Secretary Carlito Galvez sa panayam ng radyo dzMM kanina.

"Ang nakikita ko, magde-decide ang mahal na presidente siguro between April 12 and April 14," sabi ni Galvez, chief implementer ng National Action Plan kontra COVID-19.

"Ihahanda pa rin natin ang mga pangangailangan ng ating mga mamamayan."

Kasalukuyang nagpapatupad ng Luzon-wide lockdown ang pamahalaan bilang bahagi ng pagsusumikap na hindi na kumalat ang nakamamatay na sakit sa bansa.

Dahil dito, ilang linggo na pinaghihigpitaan ang paglabas ng bahay ang mga nasa hilagang kapuluan ng bansa habang suspendido ang lahat ng pampublikong transportasyon.

Kasalukuyang 3,246 na ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas — 152 dito ang patay na, ayon sa Department of Health.

Nakatakdang matapos ang lockdown bago magkalagitnaan ng Abril, ngunit kailangan pa raw itong patagalin kung si Galvez ang tatanungin.

"Sa aking pagtingin po, kailangan talaga ng extension kasi hindi po natin mafa-flatten ang curve, iyong increase ng new cases," dagdag pa niya.

Inaasahang magsisimula ang mass testing kontra COVID-19 sa ika-14 ng Abril, kahit sinabi ng DOH noon na huwag muna.

Matagal nang ipinapanawagan ng mga kritiko't progresibo ang mass testing sa bansa upang mabilis na malapatan ng lunas ang mga undetected pa sa COVID-19 at maiwasan ang pagdami ng namamatay.

Ilan ang mass testing sa itinuturing dahilan kung paano na-control ang pagdami nito sa ibang bansa.

Technical working group

Ayon naman kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, tagapagsalita ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), inutusan na raw ang isang technical working group (TWG) na pinangungunahan ng DOH para tumulong magdesisyon kung magkakaroon ng extension.

"[I]ito ay inatasang maglapat ng parameters para mamili sa paparating na total o partial lifting ng ECQ sa Luzon, posibleng pagpapalawig nito, o pagpagpapalawak ng sakop na lugar na tataan pa sa pagsang-ayon at pagrerebisa ng IATF," ani Nograles sa Inggles.

"Isang IATF TWG na pinamumunuan ng DOH ay inaatasan na gamitin ang mga pamantayan para matukoy kung itutuloy o hindi ang ECQ dito sa Luzon, o kung may isasama pang lugar sa ECQ."

Kabilang sa TWG ang National Economic and Development Authority, Philippine Institute for Development Studies, Department of Science and Technology at iba pang mga dalubhasa.

Lima raw ang gagamitin ng TWG bilang batayan sa pagdedesisyon:

  • mga trend sa epidemiological curve, kasama ang pagbilis at pagdami ng mga panibagong kaso ng COVID-19
  • kapasidad ng sistemang medikal, kapasidad sa contact tracing, dami ng personal protective equipment (PPE) para sa frontliners at testing facilities
  • panlipunang mga salik
  • pang-ekonomiyang salik
  • kadahilanang panseguridad

Tiniyak naman ni Nograles na pakikinggan ng IATF at ni Duterte ang lahat ng eksperto bago makarating sa pagdedesisyon. — may mga ulat mula kay Patricia Lourdes Viray

vuukle comment

CARLITO GALVEZ JR.

KARLO NOGRALES

LOCKDOWN

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with