^

Bansa

Hazard pay ng mga pulis, P235/araw lang

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Hazard pay ng mga pulis, P235/araw lang
Ito ang nakasaad sa memorandum na inilabas ni Brig. Gen. Marni Marcos, acting director for comptrollership ng PNP na taliwas sa inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Edd Gumban / File

MANILA, Philippines  — Bagamat kasama sa mga frontliners sa pagsugpo sa COVID-19, aabot lamang sa P235 kada araw ang matatanggap ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) na hazard pay at hindi tulad ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na P500 kada araw.

Ito ang nakasaad sa memorandum na inilabas ni Brig. Gen. Marni Marcos, acting director for comptrollership ng PNP na taliwas sa inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa mga dismayadong pulis, nasa panganib din ang kanilang buhay laban sa COVID na hindi dapat na balewalain ng pumunuan ng PNP.

Karamihan sa pulis ay mga ama, ina, mga anak na nagtitiis na hindi makita at makasama ang kanilang mga mahal sa buhay.

Subalit sa ginawang pahayag ni Duterte ng pagbibigay ng hazard pay sa mga pulis, sundalo at jailguards marapat lamang na pantay pantay na maibigay ang P500 na hazard pay kada araw.

Paliwanag pa ni Marcos, ang P235 ay batay sa ‘available funds’ ng PNP dahil nakasaad sa kautusan ng DBM na kunin ang hazard pay sa kanilang 2020 budget.

Aniya, kulang umano ang pondo ng pulisya kaya P235 kada araw lang ang uniform rate na ibinigay para sa hazard pay ng mga frontliners o aabot sa P7,050 kada buwan sa kanilang pagsisilbi bilang frontliners sa  COVID.

vuukle comment

AFP

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with