^

Bansa

Basurero, janitor, street sweeper ituring na frontliners

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines  — Umapela si Sen. Imee Marcos sa gobyerno na ituring din bilang frontliners tulad ng mga medical staff ang mga basurero, street sweeper, janitor at iba pang mga manggagawa na katuwang sa paglilinis ng mga komunidad para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Ayon kay Marcos, dapat din masiguro ng pamahalaan na mabibigyan ng suportang pinansyal ang mga sanitation workers na may  malaking ginagampanan at naitutulong sa mga ospital, tanggapan ng pamahalaan, condominium, super market at iba pang mga establisyimento para labanan ang nakahahawang sakit.

Anya, hindi dapat kalimutan ang mga basurero, street sweepers at mga janitor na tumutulong para labanan ang COVID-19 dahil buwis-buhay din ang kanilang ginagawang trabaho,.

Sa pagtaya ni Marcos, posibleng tumagal pa ang lockdown sa buong Luzon, kaya inihain ni Marcos ang Senate Bill 1414 para masiguro ang proteksyon ng mga frontliners pati na rin ng mga ordinaryong manggagawang mawawalan ng kikitain dahil sa COVID crisis.

vuukle comment

COVID-19

IMEE MARCOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with