^

Bansa

Konsulta sa COVID-19 pwede na sa online

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Konsulta sa COVID-19 pwede na sa online
Ayon sa Department of Health (DOH), ang bagong inis­yatibong ito ay ang “Ask Force “ na makikita sa Facebook kung saan maaaring magpakonsulta sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa internet sa mga doktor na maaring mag-assess sa mga sintomas o sumagot ng mga katanungan hinggil sa COVID-19.
Pixabay

MANILA, Philippines  — Inilunsad ng Lung Center of the Philippines (LCP) ang public access para sa medical consultations nang hindi na lalabas ng bahay.

Ayon sa Department of Health (DOH), ang bagong inis­yatibong ito ay ang “Ask Force “ na makikita sa Facebook kung saan maaaring magpakonsulta sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa internet sa mga doktor na maaring mag-assess sa mga sintomas o sumagot ng mga katanungan hinggil sa COVID-19.

Nasa 600 volunteer doctors ang kasalukuyang nakapagbigay na ng libreng konsultasyon sa Ask Force ng FB.

Una rito, inilunsad din ng Philippine General Hospital (PGH) ang “Telemedicine hotline, sa tulong ng Philippine Long Distance Telephone (PLDT) para sa COVID-19 Bayanihan Operations Center, na pinatatakbo ng mga volunteers.

Sa pamamagitan ng pag-dial ng 155-200 ay makakahingi rin ng payo o maaari nang magpakonsulta sa medical professionals ang sinumang may nararamdamang sintomas ng COVID-19. 24/7 ang operasyon ng nasabing hotline.

vuukle comment

DOH

LCB

ONLINE COSULTATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with