^

Bansa

2 weeks extension ng ECQ sa Luzon inihirit

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inihirit kahapon ni Albay 2nd District Rep. Joey Salceda na palawigin pa ng dalawang linggo ang Enhanced Community Quarantine (ECQ)sa gitna ng matinding banta pa rin ng COVID 19 sa bansa.

Ayon kay Salceda, chairman ng House Committee on Ways and Means, ang premature lifting ng quarantine ay hindi makakabuti para sa ekonomiya at hindi rin makakatulong sa pagkamit sa public health objectives ng pamahalaan.

Bukod dito, maiitsapuwera lamang aniya ang progress sa paglaban sa COVID-19 kapag aalisin na sa susunod na linggo ang ECQ sa Luzon.

Si Salceda ang nagrekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte na magpatupad ng lockdown sa Metro Manila dulot ng mga lumolobong kaso ng mga nagpositibo sa COVID na pinalawig sa buong Luzon. Ang isang buwang ECQ ay magtatapos na sa darating na Abril 14.

Binigyang diin ni Salceda na nagbunga ang lockdown sa Hubei Province sa China partikular na sa Wuhan City na pinagmulan ng virus. Sa mga bansang hindi kaagad nagpatupad ng lockdown ay mas mataas ang death rates.

Inihalimbawa nito na noong 20th century ay naharap din ang mundo sa krisis sa kalusugan sanhi ng Spanish flu kung saan dahil sa agarang lockdown ay konti lamang ang mga namatay sa New York City.

vuukle comment

ECQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with