^

Bansa

Uuwing 420K OFWs paghandaan – solon

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Uuwing 420K OFWs paghandaan � solon
Dahil dito, sinabi ni House Committee on Ways and Means chairman at Albay 2nd District Rep. Joey Salceda na paghandaan na ito ng pamahalaan upang maiwasan ang second wave ng epidemya dahil ang mga ito ay mula sa mga bansang grabeng naapektuhan ng virus.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Aabot sa 420,000 overseas Filipino workers ang nakatakdang umuwi na sa Pilipinas sa susunod na anim na buwan dahil sa COVID-19 sa mga bansang pinagtatrabahuhan ng mga ito.

Dahil dito, sinabi ni House Committee on Ways and Means chairman at Albay 2nd District Rep. Joey Salceda na paghandaan na ito ng pamahalaan upang maiwasan ang second wave ng epidemya dahil ang mga ito ay mula sa mga bansang grabeng naapektuhan ng virus.

Ayon kay Salceda, ang Bayanihan Act ay may P20 bilyong pondo para sa mga programa ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Department of Labor and Employment para sa mga OFWs.

Inihayag ni Salceda na ang pinakamatinding epekto ng COVID-19 ay sa ekonomiya, kawalan ng trabaho at remittance na abot sa P5 bilyon kada taon.

Nasa 420,000 OFWs ang uuwi na sa bansa sa loob ng anim na buwan kung saan 170,000 hanggang 180,000 sa mga ito ang pansamantala lamang mananatili sa Pilipinas.

Inihayag pa ni Salceda na kapag walang ipapakain sa sarili at pamilya ay hahanap ng paraan ang mga OFWs para lumabas sa quarantine kaysa mamatay sa gutom.

Dapat ding tiyakin na nasusunod ang 14 araw na quarantine sa mga OFWs na ituturing na Person Under Monitoring o PUM.

vuukle comment

COVID-19

HOUSE COMMITTEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with