^

Bansa

Pimentel 'no comment' sa balitang isinugod siya sa ospital

James Relativo - Philstar.com
Pimentel 'no comment' sa balitang isinugod siya sa ospital
Kuha ni Pimentel na naka-face mask habang nasa Senate hearing.
The STAR/Mong Pintolo

MANILA, Philippines — Ayaw kumpirmahin o pabulaanan ni Sen. Aquilino "Koko" Pimentel III ang mga balitang isinugod siya sa ospital bago pumasok ang unang araw ng Abril.

Ibinalita kasi ng ABS-CBN noong Martes na dinala sa hindi pa tukoy na pagamutan ang coronavirus disease (COVID-19) positive na senador dahil sa sama ng pakiramdam.

"No comment," sabi ni Pimentel sa mga reporters ngayong umaga.

Samantala, nakiusap naman ang mga tauhan ng senador na huwag na gaanong makiusyoso sa kalagayan ng kontrobersyal na pulitiko, na humaharap sa nakamamatay na virus.

"Nagre-request siya ng right to privacy niya at karapatang gumaling," sabi ni Ron Munsayac, staff ni Sen. Koko Pimentel, sa Inggles.

Tiniyak naman ni Munsayak na pagaling na si Pimentel at dadaigin ang banta ng COVID-19: "Ang totoo, marami na siyang kinakausap na tao ngayon."

Isa lamang si Pimentel sa tatlong mambabatas na kumpirmadong tinamaan ng COVID-19 sa Senado kasama nina Sen. Juan Miguel Zubiri at Sen. Sonny Angara.

Nahaharap sa kontrobersiya si Pimentel matapos lumabag sa home quarantine protocol ng Makati Medical Center, bagay na naglagay sa maraming tao sa peligro.

Dinala kasi ni Pimentel ang misis niya upang manganak sa naturang ospital kahit na nasa ilalim pa siya ng 14-day home quarantine noon.

Tinawag ng MMC na iresponsable at "reckless" ang pagsuway na ito ng senador. Humingi na ng tawad si Pimentel sa naturang violation— may mga ulat mula sa News5

vuukle comment

KOKO PIMENTEL

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with