^

Bansa

Pasaway sa quarantine umakyat na sa 70,000

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Inihayag ng Philippine National Police na umabot na sa  69,089 ang bilang ng mga lumabag sa ipinatutupad na   enhanced community quarantine ng pamahalaan.

Ayon kay  PNP Deputy Chief for Operations Police Lieutenant General Guillermo Eleazar na siya ring commander ng Joint Task Force COVID-19 Shield, sa bilang na ito ay mayroong 38,940 na lumabag mula sa Luzon at 30,149 naman ang mula sa Visayas at Mindanao.

 Sa kabuuang bilang na ito, 17,039 ang naaresto, 3,777 ang pinagmulta habang 48,273 naman ang pinagsabihan lamang ng mga awtoridad.

 Bukod sa Luzon, ilang lalawigan na rin sa Visayas at Mindanao ang nagpatupad ng enhanced community quarantine dahil sa banta ng novel coronavirus 2019 (COVID-19).

Nauna nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hanggang Abril 14 ang tatagal ang enhanced community quarantine period sa Luzon. 

 

vuukle comment

QUARANTINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with