^

Bansa

Tinamaan ng COVID-19 sa bansa 1,546 na, patay sa sakit umabot ng 78

James Relativo - Philstar.com
Tinamaan ng COVID-19 sa bansa 1,546 na, patay sa sakit umabot ng 78
Pinapara ng pulis ang mga sasakyan sa Mindanao Exit sa kahabaan ng North Luzon Expressway, Huwebes, habang nagsisimulang lumubog ang araw.
The STAR/Walter Bollozos

MANILA, Philippines (Update 1, 5:09 p.m.) — Muling nadagdagan ang kumpirmadong coronavirus disease (COVID-19) infections sa bansa, Lunes, matapos tumuntong ng libo nitong mga nagdaang araw.

Nakapagtala ng karagdagang 128 kaso ang Department of Health ngayong araw, dahilan para umabot na ito sa 1,546 ngayon.

Inanunsyo rin ang pitong bagong nasawi, kung kaya't nasa 78 na ang kabuuang bilang ng binawian ng buhay habang nakikipagbuno sa COVID-19.

"Sa ngalan po ng Department of Health, kami po ay nakikiramay sa lahat ng naulila,"  sabi ni Health Assistant Secretary Ma. Rosario Vergeire kanina.

Narito ang listahan ng mga pinakabagong kumpirmadong COVID-19 deaths:

PH149 (ika-72 patay)

- 61-anyos na Pinay mula Makati City
- walang travel, exposure history
- ika-27 ng Marso namatay
- patay sa: Acute Respiratory Failure secondary to Community-acquired Pneumonia secondary to COVID-19
- iba pang kondisyon: hypertension

PH587 (ika-73 patay)

- 79-anyos na Pinoy mula Muntinlupa City
- walang travel history
- ika-29 ng Marso namatay
- patay sa: Acutre Respiratory Failure secondary to Pneumonia Covid-19

PH647 (ika-74 patay)

- 43-anyos na Pinoy mula Paranaque City
- ika-27 ng Marso namatay
- patay sa: Acutre Respiratory Failure secondary to Pneumonia COVID-19, Myocardial Dysfunction

PH1488 (ika-75 patay)

- 60-anyos na lalaki mula Muntinlupa, hindi pa alam ang nationality
- hindi alam ang travel at exposure history
- ika-26 ng Marso namatay
- patay sa: Acute Respiratory Distress Syndrome, Septic Shock, Covid-19

PH1447 (ika-76 patay)

- 45-anyos na Pinoy mula Davao City
- hindi alam ang travel at exposure history
- ika-23 ng Marso namatay
- patay sa: Cardiopulmonary Arrest, Acute Respiratory Distress Syndrome secondary to Community-Acquired Pneumonia High Risk, Hypoxia

PH1446 (ika-77 patay)

- 59-anyos na Pinoy mula Davao City
- walang travel history
- ika-23 ng Marso namatay
- patay sa: Acute Respiratory Distress Syndrome secondary to Community-acquired Pneumonia High Risk, Hypoxia
- iba pang kondisyon: Cardiac Disease

PH1489 (ika-78 patay)

- 74-anyos na Pinoy mula Quezon City
- hindi alam ang travel at exposure history
- ika-21 ng Marso namatay
- patay sa: Acute Respiratory Distress Syndrome secondary to Pneumonia
- iba pang kondisyon: Hypertension, Diabetes Mellitus

Nananatili naman sa 42 ang sinwerteng nagrecover sa COVID-19.

Sa panibagong tala ngayong araw, pumalo na sa 3,303 ang naisasagawang tests para maamoy ang nakamamatay na sakit.

Hindi rin ligtas sa COVID-19 ang ilang government officials at celebrities, matapos magpositibo kamakailan nina Sen. Sonny Angara at Iza Calzado.

Lumobo na sa 29,957 ang pumanaw dulot ng virus sa buong mundo habang 634,835 na ang kumpirmadong tinamaan nito.

Related video:

vuukle comment

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with