^

Bansa

Laguna naka-total lockdown

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Laguna naka-total lockdown
Ayon kay Laguna Governor Ramil Hernandez, kabilang sa mga may kaso ng COVID-19 ang Santa Rosa na may pitong kaso, Biñan (3); Calamba, (2); San Pedro, (2); Cabuyao, (1); Los Baños, (1); Lumban (1).
Boy Santos/ File

MANILA, Philippines — Isinailalim na sa total lockdown ang buong probinsiya ng Laguna matapos umakyat sa 20 ang kaso ng COVID-19 sa naturang probinsiya.

Ayon kay Laguna Governor Ramil Hernandez, kabilang sa mga may kaso ng COVID-19 ang Santa Rosa na may pitong kaso, Biñan (3); Calamba, (2); San Pedro, (2); Cabuyao, (1); Los Baños, (1); Lumban (1).

Una rito, walong bayan ang ini-lockdown dahil sa COVID-19 ang Kalayaan, Paete, Pakil, Pangil, Siniloan, Famy, Mabitac at Santa Maria dahil sa COVID-19 threat simula noong Marso 26.

Mayroong kabuuang 24 na bayan ang Laguna.

Marso 21 nang kum­pirmahin ng muni­cipal government ng Los Baños na namatay ang unang kaso ng CO­VID-19 case sa kanilang lugar.

Sinabi ni Hernandez na aabot na sa 687 ang persons under investigation (PUIs) sa Laguna habang 8,859 ang persons under monitoring (PUMs).

Aabot naman sa 1,277 ang cleared sa naturang kaso.

vuukle comment

LAGUNA

LOCKDOWN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with