^

Bansa

Sen. Koko kakasuhan sa paglabag sa COVID protocol

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Sen. Koko kakasuhan sa paglabag sa COVID protocol
Sinabi ni Atty. Rico Quicho, na hindi ordinar­yong tao si Pimentel at isa siyang mambabatas kaya hindi niya dapat nilalabag ang batas matapos na magtungo sa Makati Medical Center at samahan ang kanyang buntis na asawa sa kabila ng pagpapakita ng sintomas ng virus at kinalaunan ay nagpositibo na siya.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Isang grupo ng mga abogado ang magsasampa ng kasong criminal at disbarment case laban kay Sen. Koko Pimentel III dahil sa pag­labag sa Luzon-wide community quarantine.

Sinabi ni Atty. Rico Quicho, na hindi ordinar­yong tao si Pimentel at isa siyang mambabatas kaya hindi niya dapat nilalabag ang batas matapos na magtungo sa Makati Medical Center (MMC) at samahan ang kanyang buntis na asawa sa kabila ng pagpapakita ng sintomas ng virus at kinalaunan ay nagpositibo na siya.

Dahil dito kaya naglabas ng isang manipesto ang MMC na kumokondena sa naging aksyon ni Pimentel dahil nalantad na rin ang mga doctor at iba pang health workers ng ospital sa novel coronavirus.

Paliwanag pa ni Quicho, kasama ang siyam na iba pang abogado ay inaayos na ang kaso laban sa senador. 

Anila, nilabag ni Pimentel ang batas sa “mandatory repor­ting of notifiable disease and health events on public health concern”, gayundin sa enchanced community quarantine protocols.

Maaaring anim na buwan umanong makulong si Pimentel at pagmumulta ng P50,000 ang katapat na parusa para sa hindi makikiisa sa nasabing batas.

Bukod dito, isinusulong na rin umano ng grupo ni Quicho ang disbarment ni Pimentel dahil sa kabiguan ng senador na sumunod sa batas at paglalantad sa mga front liners sa virus.

Samantala, kinumpirma rin ng S&R na nag-grocery sa branch nila sa BGC si Pimentel noong Marso 16 dakong ala 1:59 ng hapon.

Dahil dito kaya ma­ging ang mga clerks nila ay isinailalim na rin sa quarantine dahil sa posibleng pagkahawa sa virus.

Ang nasabing petsa ay dalawang araw matapos na makaramdam ang senador ng pana­nakit ng katawan at flu.

Sa pahayag pa ng S&R, matapos na mapaulat na positibo sa COVID 19 si Pimentel ay kaagad nilang sinuri ang CCTV camera at dito nakita na nasa counter 13 ito.

“We disinfect our stores daily and ascertain that our staff are clear prior to work. Shopping cars and handles, front-end belts, item shelves, and registers are kept clean every single day. Our employees are constantly reminded of the safety precautions regarding the virus,” ayon pa sa S&R. 

Umani ng batikos sa netizens ang ginawa ni Pimentel.

Humingi naman ng paumanhin si Pimentel sa management at staff ng MMC. Sinabi niya na hindi niya hinangad na makapinsala lalo na sa ospital at hindi rin niya intensyon na labagin ang protocol ng ospital.

vuukle comment

KOKO PIMENTEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with