2 Pinoy sa Brunei, India nagpositibo sa COVID-19
MANILA, Philippines — Dalawang Filipino pa na nasa ibang bansa ang nagpositibo sa COVID-19.
Ito ang kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa pamamagitan ng Philippine Embassies sa Brunei Darussalam at sa India.
Ang Pinoy mula sa Brunei na nagpositibo sa coronavirus ay naka-confine na ngayon sa local health facility sa naturang bansa at nasa maayos nang kondisyon, ayon sa Ministry of Health ng Brunei.
Habang ang Filipino naman na dumating sa India noong unang linggo ng Marso ay naka-confine na rin sa ospital sa Mumbai matapos na mahirapang huminga.
- Latest