^

Bansa

Mga nakasalamuha ng singer pinakukuwarantina

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

Pumanaw sa Covid

LEGAZPI CITY, Philippines -  Inatasan na ni Mayor Noel Rosal na magpa-quarantine ang lahat ng tao na nakasalamuha ng lead singer ng bandang “Mulatto” na si Joseph “Joey” Bautista na nag-perform sa isang okasyon sa Legazpi City, Albay matapos napabalitang namatay ito dahil sa COVID-19 sa isang ospital sa Metro Manila noong nakaraang Marso 19.

Ayon kay Mayor Rosal, dumating ang banda sa Legazpi City lulan ng eroplano noong Marso 10, nag-perform noong Marso 11 sa isang pagtitipon sa kilalang hotel at bumalik ng Maynila noong Marso 12. Pero lumalabas sa ulat na maliban sa kanyang banda ay hindi na nakapag-perform si Bautista dahil sa masama na ang kanyang pakiramdam.

Sinabe ng alkalde na hindi agad siya nagpalabas ng impormasyon dahil nag-usap muna sila ni Dr. Ernie Vera, ang regional director ng Department of Health (DOH-Bicol), at hanggang kahapon ay iniimbistigahan pa ng DOH dahil wala pa sa opisyal na talaan ang pangalan ni Bautista sa mga nasawi dahil sa corona virus.

vuukle comment

COVID-19

NOEL ROSAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with