^

Bansa

'Mag-enjoy na lang kayo, mga tsismoso': Enrile buhay, walang COVID-19

James Relativo - Philstar.com
'Mag-enjoy na lang kayo, mga tsismoso': Enrile buhay, walang COVID-19
Una nang sinabi ng Centers for Disease Control and Prevention na isa ang mga may edad, kasama ng mga may sakit sa puso, diabetes at sakit sa baga, sa mga "high-risk" sa COVID-19.
Philstar.com, File

MANILA, Philippines — Bagama't kumakalat sa Pilipinas ang coronavirus disease (COVID-19), na lubhang mapanganib sa mga nakatatanda, tiniyak ni dating Sen. Juan Ponce Enrile na hindi pa siya tinatablan ng nakamamatay na sakit.

"Tinatanong ng iba kung patay na ako, o kung may COVID-19 ako. Well, sorry sa mga tsismoso. Buhay pa ako at walang COVID-19. Salamat sa Diyos," sabi sa Inggles ng 96-anyos na dating senador sa kanyang Facebook post.

 

 

Binansagang "imortal" ng mga mapaglarong isipan sa social media, ipinanganak si "Manong Johnny" noong ika-14 ng Pebrero, 1924.

Bagama't nauna pang iniluwal kaysa 1930 Revised Penal Code ang arkitekto ng Martial Law ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, pinagkakatuwaan lang ni Enrile ang mga nagkakalat ng balitang pumanaw na siya.

"Mag-enjoy na lang kayo sa kahangalan niyo, mga tsismoso. Sige, baka matupad din ang hinihiling niyo para sa akin," patuloy niya.

"Ipagdarasal ko ang mga kaluluwa niyo at kalusugan."

Una nang sinabi ng Centers for Disease Control and Prevention na isa ang mga may edad, kasama ng mga may sakit sa puso, diabetes at sakit sa baga, sa mga "high-risk" sa COVID-19.

Kasalukuyang nasa 187 na ang tinatamaan ng coronavirus sa Pilipinas simula nang pasukin ng virus ang bansa — 58 sa kanila ang mga senior citizens.

Dahil dito, nagdeklara na ng state of public health emergency, Code Red Sublevel 2, Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon at anim na buwang state of calamity sa buong bansa si Pangulong Rodrigo Duterte.

vuukle comment

JUAN PONCE ENRILE

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with