^

Bansa

Moratorium sa pagbabayad ng bills, utang giit ni Sen. Poe

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Moratorium sa pagbabayad ng bills, utang giit ni Sen. Poe
Ayon kay Poe, dapat na magkaroon ng malasakit at mabuting kalooban ang mga kumpanya sa kanilang mga kliyente at siguruhin na walang service interruption, disconnections o penalties sa mga delay payment.
Geremy Pintolo/File

MANILA, Philippines — Sa gitna nang kinakaharap na public health crisis na dala ng COVID-19, umapela si Sen. Grace Poe sa mga korporasyon at iba pang pampubliko at pribadong financial institutions na magpatupad ng moratorium sa penalty o sa mga huling magbabayad sa kanila ng mga utang at obligasyon.

Ayon kay Poe, dapat na magkaroon ng malasakit at mabuting kalooban ang mga kumpanya sa kanilang mga kliyente at siguruhin na walang service interruption, disconnections o penalties sa mga delay payment.

Nais naman umano ng lahat na makapagbayad ng utang, subalit dahil sa hindi inaasahang pandemic ay lubhang naapektuhan ang mga financial condition ng publiko lalo na ng mga manggagawa na “no work no pay”.

Habang ang mga gusto namang magbayad ang mga nasa isip nila ay ang mahabang pila sa mga banko at bayad centers na humahabol bago ang pagsasara nito.

Subalit pinapaiwas naman ang publiko ng gobyerno sa maraming tao o ang social distancing kaya hanggang maaari ay nasa bahay lang ang mga tao para hindi magkaroon ng exposure sa nasabing virus.

Dahil dito kaya hinikayat ni Poe ang mga ahensiya ng gobyerno na ikonsidera ang kanyang panawagang moratorium sa pagbabayad ng mga bills hanggang mayroon ng rasonableng oras na maaring ma-accomodate ang kanilang mga bayad.

vuukle comment

GRACE POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with