^

Bansa

ATMs i-disinfect, cash supply tiyakin

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Upang makaiwas sa COVID-19, iminungkahi ni BHW Partylist Rep. Angelica Natasha Co sa mga bangko na i-disinfect ang kanilang mga ATM machines para sa kaligtasan ng publiko sa nakamamatay at nakahahawang virus.

Kasabay nito, ipinatitiyak din ni Co ang cash supply sa mga ATM machines para may sapat na pocket money at petty funds ang mga tao para sa panganga­ilangan ng mga ito sa susunod na mga araw o linggo.

Ito’y matapos namang isailalim ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa 30 araw na ‘community quarantine’ ang Metro Manila simula sa Marso 15.

Aniya, hindi pangkaraniwan ang magkakasunod na hagupit ng pandemic at mga natural na kalamidad sa bansa kung saan pabulusok ang stock market at tigil ang trabaho sa ilang pagawaan.

Samantala da­pat ding abisuhan ng mga bangko ang ka­nilang mga kustomer na palagiang maghugas ng kamay partikular na kapag humahawak ng mga papel na pera at barya.

vuukle comment

ATM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with