^

Bansa

More Power lang ang distributor ng kuryente sa Iloilo - ERC

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nilinaw ng Energy Regulatory Commission (ERC) na ang More Electric and Power Corp. (More Power) ang nag-iisang Distribution Utility sa Iloilo City na may legislative franchise at Certificate of Public Convenience and Necessity (CPCN) para mag-supply ng kuryente sa buong Iloilo City.

Ayon kay ERC Chairman Agnes Devanadera, kahit pa man may usaping legal sa pagitan ng Panay Electric Company (PECO) at More Power kabilang na ang nakabinbin na kaso sa Iloilo Regional Trial Court na isang expropriation case ay hindi nito kayang pigilan kung patungkol sa operasyon ng Distribution Utility ang pag-uusapan dahil ang hurisdiksyon na ito ay hawak ng ERC alinsunod na rin sa itinatakda ng EPIRA law.

Iginiit ni Devanadera na dahil nagsalita na ang ERC sa isyu ay ang desisyon nito ang dapat na manaig at pakinggan ng mga taga Iloilo.

Hindi rin dapat na malito ang mga residente kung saan magbabayad ng kanilang billing dahil malinaw sa kanilang order na ang More Power ang kanilang kinikilala bilang lehitimo at nag-iisang distribution utility sa Iloilo.

Nilinaw rin ni Devanadera na walang nilalabag ang More Power nang mag-operate ito kahit na wala pang Certificate of Exemption mula sa Department of Energy.

Aniya, ang kaso ng More Power ay maituturing na emergency dahil ang kanilang kinokonsidera rito ay ang matiyak na tuluy-tuloy ang serbisyo ng pagbibigay ng supply ng kuryente sa mga residente.

vuukle comment

ENERGY REGULATORY COMMISSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with