^

Bansa

COVID-19 test kits ng UP, 2 oras lang may resulta na

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
COVID-19 test kits ng UP,  2 oras lang may resulta na
Sinabi ni Food and Drugs Authority (FDA) Director General Eric Domingo na kayang makuha ang resulta ng COVID-19 test na dinibelop ng UP-NIH ng dalawang oras kaysa sa 24 oras ng testing kits mula sa Japan.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Higit na mabilis ang COVID-19 testing kits na nilikha ng mga scientists ng University of the Philippines-National Institutes of Health kumpara sa ginagamit na testing kits mula sa Japan.

Sinabi ni Food and Drugs Authority (FDA) Director General Eric Domingo na kayang makuha ang resulta ng COVID-19 test na dinibelop ng UP-NIH ng dalawang oras kaysa sa 24 oras ng testing kits mula sa Japan.

Mas hamak na mura rin ang UP-NIH kits na nagkakahalaga ng P1,500 kumpara sa imported kits na gagas­tos ang pamahalaan ng P20,000 hanggang P30,000.

Nitong Miyerkules, nasa 2,000 na lamang ang testing kits sa imbentaryo ng Department of Health kaya malaking tulong ang testing kits mula sa UP-NIH.

Nangako ang UP-NIH na makakapagprodyus ng 1,000 hanggang 2,000 testing kits ng tuluy-tuloy kada linggo makaraang aprubahan ito ng FDA. 

Mag-uumpisa na ng produksyon ang laboratoryo ng UP-NIH at Philippine General Hospital sa darating na Lunes.

Nanawagan rin si Domingo sa publiko na huwag bibili ng testing kits sa mga hindi otorisadong seller. Tanging mga mapagkakatiwalaan na laboratoryo lamang ang maaaring makaprodyus nito, dagdag niya.

vuukle comment

ERIC DOMINGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with