Pasalamatan imbes kuyugin ang SMC - Rep. Rodriguez
MANILA , Philippines — Dinepensahan ni Rep. Rufus Rodriguez ang San Miguel Corporation (SMC) at ang alok nitong kabayaran sa Power Sector Assets and Liabilities (PSALM).
Matapos mag-alok ang SMC na babayaran na ang kabuuang obligasyon nito sa PSALM mistulang hina-harass pa ito ng Kamara.
Ayon kay Rodriguez, sa halip na kuyugin ng komite ang alok ng SMC dapat pa nilang pasalamatan si SMC President Ramon Ang dahil babayaran na nito ang PSALM.
“We are offering in advance the full settlement of the undiscounted monthly payments due for the period 26 March 2020, until the end of the IPPA agreement on 26 June 2022,” ayon kay SMC Global Power Holdings Corp. President Ellen Go.
Inaalok umano nila ang naturang kabayaran “in good faith” para makalikom ng pondo ang gobyerno na magagamit nito sa mga hakbanging kailangang gawin sa gitna ng COVID-19 situation.
Binigyang diin pa ng SPPC na hindi sila hihingi ng discount para makuha ng PSALM ang buong benepisyo sa prepayment.
- Latest