Graduation ceremony bawal muna
MANILA, Philippines — Para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19, dapat ipagliban muna ng Department of Education (DepEd) ang nakatakdang graduation ngayong buwan sa mga eskwelahan.
Giit ni Sen. Sherwin Gatchalian dapat na suspendihin ang graduation sa high school at mga moving up activities sa junior high school at sa mga daycare center.
Tinatayang may 3 milyong senior high school students ang inaasahang ga-graduate ngayong taon.
Paliwanag ni Gatchalian, na kapag graduation ay nag-uuwian ang mga magulang na nasa abroad at malalagay sa alanganin ang kalusugan ng mga estudyante, mga guro at lahat ng school personnel na dadalo sa okasyon.
Dapat anyang sundin ng DepEd ang rekomendasyon ng World health Organization (WHO) sa pagdadaos ng public gatherings tulad ng graduation rites dahil mayroon nang local transmission sa bansa.
- Latest