Senado tumakbo na sa SC
Poder sa VFA
MANILA, Philippines — Pormal nang isinumite kahapon ng Senado ang petisyon nito na humihiling sa Supreme Court na desisyunan ang awtoridad ng mataas na kapulungan ng Kongreso sa pag-atras ng Pilipinas sa mga pinapasok nitong tratado sa bansa tulad ng sa Visiting Forces Agreement sa United States. Sa isinumite nilang ‘petition for declatory relief and mandamus’, hinihiling nila sa Korte Suprema na kung aatras o bibitiw sa anumang treaty ang Pilipinas ay kakailanganin ang pag-apruba ng 2/3 ng mga miyembro ng Senado. Kasama sa petisyon ang Resolution 337 na hinihiling ang klaripikasyon sa papel ng Senado sa mga desisyon ng pamahalaan ukol sa mga kasunduang internasyunal. Gemma A. Garcia
- Latest