Duterte ‘excellent’ ang satisfaction rating - SWS
MANILA, Philippines — Umakyat sa +73 “excellent” ang satisfaction rating ni Pangulong Duterte sa fourth quarter ng 2019.
Sa resulta ng survey ng Social Weather Station (SWS) na ginawa noong Disyembre 13-16, 2019, 81% ng respondent ay nagpahayag ng satisfaction sa general performance ng administrasyon, 12% ay posibleng kuntento o hindi satisfied at 7% ay hindi kuntento.
Katumbas ito ng anim na puntos na pagtaas mula sa very good rating +67 noong Setyembre na umakyat sa record high excellent +73 ng Hunyo 2019.
Lumalabas din sa survey na ang net satisfaction rating ng administrasyon ay very good pagdating sa pagtulong sa mahihirap (+64), pagbibigay impormasyon sa taumbayan sa ginagawa ng gobyerno (+58), may malinaw na polisiya (+56), developing a healthy economy (+53), Reconciling sa mga rebeldeng Muslim (+51) at pagprotekta sa freedom of the press (+50).
May good rating naman ito sa paglaban sa krimen (+49), Reconciling sa mga rebeldeng komunista (+48), Foreign relations (+47), pagtugon sa kailangan ng mga tao (+45), pagdepensa sa soberenya ng Pilipinas sa West Philippine Sea (+32), at paglaban sa graft and corruption (+31).
Katamtaman naman ito pagdating sa pagsiguro na walang pamilya ang magugutom (+29), pagrekober sa ‘’hidden wealth’’ ng pamilya Marcos at cronies (+25), at paglaban sa kahirapan (+12).
Ginawa ang survey sa pamamagitan ng face to face interviews ng 1,200 adults nationwide na may 300 kada sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas at Mindanao.
- Latest