^

Bansa

DOH inaaral pa kung sa Pilipinas nahawa ng COVID-19 ang ilang dayuhan

James Relativo - Philstar.com
DOH inaaral pa kung sa Pilipinas nahawa ng COVID-19 ang ilang dayuhan
Nililinis ng maskaradong empleyado ang ilang upuan sa isang paliparan sa Kamaynilaan noong ika-23 ng Pebrero, 2020.
AFP/Romeo Gacad

MANILA, Philippines — Tinitiyak pa raw ng gobyerno kung totoong sa Pilipinas nakuha ng ilang banyaga ang coronavirus disease (COVID-19), ayon sa Department of Health, Biyernes.

Ibinalita kasi na nagpositibo sa COVID-19 ang ilang tao sa Australia, Japan, Taiwan at India matapos bumisita ng Pilipinas.

Sa panayam ng CNN Philippines, sinabi ni Health Assistant Secretary Maria Rosario Vergeire na kinukumpleto raw nila muna ang ilang impormasyon bago magkomento kung nalusutan ng virus ang local health professionals.

"Sa pagkakaalam namin, wala pa tayong accurate at kumpletong impormasyon, kung kaya't hindi pa namin masabi kung... sa Pilipinas sila na-infect," sabi ni Vergeire sa Inggles.

Ayon sa DOH official, isang lalaki mula sa Japan, na nasa 40-anyos, ang nagpositibo sa COVID-19 matapos magkaroon ng travel history sa Pilipinas.

Miyerkules naman nang kumpirmahin ng federal government ng New South Wales mula sa Australia na nagpositibo naman ang isang 60-anyos na babae, na bumisita rin daw sa bansa.

Kahapon naman nang sabihin ng Central Epidemic Command Center ng Taiwan na isang 30-anyos na lalaki naman ang tinamaan ng sakit matapos tumulak papuntang Pilipinas noong ika-28 ng Pebrero hanggang ika-3 ng Marso.

Pagtitiyak ni Vergeire, nakikipag-ugnayan na sila sa mga international partners at ministries of health ng Australia, Japan, India at Taiwan matapos nilang makuha ang balita kahapon.

"Sa ngayon, scant (kulang-kulang) pa ang impormasyon natin. Pero nagsisimula na tayo sa kung ano ang meron tayo, para makagawa ng tracing at imbestigasyon," saad pa niya.

500 Pilipino sa California cruise ship

Samantala, kinumpirma din ng DOH na binabantayan nila ngayon ang kaso ng mahigit-kumulang 500 Pilipinong nakasakay sa Grand Princess cruise ship, na kasalukuyang nakadaong sa California, Estados Unidos.

Isang lalaki raw kasi na sumakay dito ang bumaba sa barko at kalauna'y namatay sa sakit.

"Wala pa namang request para ma-repatriate sa Pilipinas. Pero nakikipag-ugnayan na kami sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs kung ilan ba talaga ang crew na kababayan natin doon, at kung anong tulong ang kailangan nila," paliwanag ni Vergeire.

Wala pa naman silang ideya kung may Pilipino nang nagpakita ng sintomas at sumama ang pakiramdam sa nasabing ship.

vuukle comment

AUSTRALIA

DEPARTMENT OF HEALTH

INDIA

JAPAN

NOVEL CORONAVIRUS

TAIWAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with