Poultry meat, iba pa mula Germany, Saudi bawal sa Pinas
MANILA, Philippines — Ipinagbabawal muna ng Department of Agriculture (DA) na maipasok sa Pilipinas ang domestic/wild birds at kanilang produkto kasama na ang poultry meat, day old chick, itlog at semen mula sa bansang Germany at Saudi Arabia.
Ayon kay Agriculture Secretaey William Dar, pinahinto rin ang proseso ng mga aplikasyon at issuance ng Sanitary and phytosanity Import Clearance sa naturang mga bansa dahil sa naganap na outbreak ng H5N8-Highly Pathogenic Avian Influenza (HPAI) sa Berlin Germany at Riyadh Saudi Arabia.
Inutos din ni Dar sa mga tauhan na higpitan ang pagbabantay sa lahat ng entry points ng bansa para maiwasang may magpuslit ng naturang mga produkto papasok ng Pilipinas.
Ang hakbang ay upang mapangalagaan ang poultry industry sa Pilipinas at hindi makapasok ang naturang virus sa mga hayupan sa bansa lalo na sa mga manukan.
- Latest