^

Bansa

2 bata nagutay sa granada

Gemma Garcia, Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
2 bata nagutay sa granada
Kinilala ni Police Major Bangon Mamako, hepe ng Sultan Mastura PNP, ang mga biktima na sina Daniel Amora, 7 at Omar Amilol, 5-anyos.
STAR/File

MANILA, Philippines — Halos magutay ang da­lawang bata matapos­ sumabog ang isang gra­nada kamakalawa sa Sultan Mas­tura, Maguin­danao.

Kinilala ni Police Major Bangon Mamako, hepe ng Sultan Mastura PNP, ang mga biktima na sina Daniel Amora, 7 at Omar Amilol, 5-anyos.

Nangyari ang pagsabog sa isang bahay kung saan naglalaro ang dalawang biktima sa bahagi ng Sitio Santillano sa Ba­rangay Macaviso bandang 2:30 ng hapon.

Matapos ang pagsa­bog ay mabilis na isinugod sa Sanitrarium hos­­pital malapit sa Sultan­ Kudarat ang mga bata subalit binawian din sila ng buhay bandang alas-6 kamakalawa ng gabi.

Patuloy pang ina­alam ng pulisya ang ulat na napaglaruan ng dalawang bata ang na­pulot­ na granada sa ‘di natukoy na lugar kaya nangyari ang pagsabog.

vuukle comment

GRANADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with